full bangs |
Sensui |
Full bangs. Yan... yan ang nauusong hairdo sa 2011. At syempre, papahuli ba naman ako? Ako, na ang buhok ang unang napagdidiskitahan kapag walang nagawa, nabobored sa buhay, na dedepress or feel mag iba ng image ( kung me mababago man ).
Mainam sa full bangs ay natatakpan ang kilay ko. Ang kilay ko ang pinaka napapansin ko kasi ang kilay daw ay ang nagfframe sa iyong mukha. So kung ang kilay ninyo ay tulad ng sa 'kin ( maiksi at medyo sabog sa dulo mukha tuloy akong yakusa sabi ng kapatid kong lalaki ) talagang kailangan pang iayos ng eyeliner para magkahugis kilay tlaga! ( napakatrabaho, minsan ang hirap hirap iayos ang arko ng kilay ko. grrrr )
Ng lagyan ko ng full bangs ang buhok ko, nabasawan ng kaunti ang paghahanda ko. Lip balm at moisturizer na lang nilalagay ko sa pagmumukha ko bago umalis. ( normal sa'kin ay ang lip balm at kilay nagmmoisturizer lang ako kasi malamig ang panahon at nag ddry ang face ko. )
Pede ding gawing pantakip ng pimple ang bangs. Sa kaso ko, wala pa naman akong pimple sa noo kaya ok din. ( hahangarin ko pa bang magkapimple para magbangs? ). Naalala ko tuloy yung classmate ko nung first year high school ako. Ang kaklase ko na yun ay may mahaba at straight na buhok. Kaya lang, nagtataka ko kung bakit ang kapal kapal ng bangs nia ( full bangs talaga ) karamihan kasi ay straight na buhok ang uso nun. At dahil ladylike ang kilos niya naisip ko na parang di angkop ang bangs niya sa kilos niya. Ng lumaon ( uy! lalim ng pananagalog ko ah! Nagtagal sa simpleng words ) nalaman ko ang dahilan kung bakit siya nag fufull bangs. Eto ang sikreto. May malaki siyang nunal sa pagitan ng kanyang kilay. Isang malaki at maitim na nunal. Ng hinawi nia ang bangs nia, nkita ko na para siyang me tuldok sa noo. Kaya pala... ( naisip ko na naman si Shinobu Sensui ) yung pinanonood kung anime dati na ghost fighter na me nunal sa noo. hehehe...
Ayun lang. wala na kong maisp na benefits ng bangs ko. gang sa muli!
ateh! ang iyong pananagalog nakaka-nosebleed din ha! hahaha
ReplyDelete