
Di ba? Bonggang bongga ang blog ko? andami kong naiisip ipost? Naalala ko na knina nanuod kmi ng sister ko ng movie sa Surprising Starmall in Shaw Edsa. Lumabas siya ng bahay at nag pa print at nag online na din ( wala pa kasi kming Internet sa bahay, pc pa lang ) at tiningnan nia ang schedule ng movies sa Starmall or Megamall. Since mas malapit ang Starmall, dun kmi nanuod. First time namin parehong manuod sa Starmall, lagi na lang mega eh so para maiba dun naman.
161php ang bayad sa sine.May libreng popcorn daw ( 21 pesos yung maliit na popcorn na yun ha! di man lang ako natinga). 12:10 noon daw mag iistart, 12:30 na ala pa din. Natakot pa kami ng konte ng pagpasok namin sa loob ay kming dalawa lang manunuod! Anu yun, nirentahan ang buong sinehan?? Kaloka!
Maya maya me pumasok naman na magjowa ( mga mid 20's), isang tomboy at magjowa ( oldies naman this time. kabisado di ba? panu naman bilang sa daliri ko ang manunuod kinabahan nga ako dahil horror movie to ateng at 2 lang kmi ng sister ko, eh saksakan pa naman ng duwakang yun. ( nakatakip ang mata the whole time na nanunuod kmi ng movie).
Habang nag iintay, nagulat pa kmi ng biglang nagsimula ang movie ng walang kaabog abog. Nasa gitna na bigla! Nakakainis! Imbyerna! Nawala na ang suspense ng movie since alam mo na ang dulo kahit hindi pa nagsisimula. Nainis tlga ko ng bonggang bongga!
Ang ending, inintay pa namin ulit mag umpisa at umpisahan sa simula kahit alam muna ang dulo ng pelikula.. hay... lakas ng trip ni manong magssine. grrr
Ang rate ko naman sa movie ni Kris A.:
- sobrang puti ng fonda nia. Para na syang bangkay.
- sobrang lapit ng close up nia, kapansin pansin tuloy ang pamumuo ng fonda nia or ang di matakpang kagaspangan ng face nia.( dati naman tingin ko makinis face nia bat kaya now hindi na?).
- dinaan sa bingi factor ang pananakot sau. Since nasa sinehan kmi nabingi ako at nainis hindi nagulat sa mga pagpapakita ng "dumadalaw"
- positive: hindi na nababaling katawan ang uso sa mga multo na pinasikat ni sadako ng the ring, may burak na ang multong dumadalaw kay Kris. Eto cguro para sken ang bago. hehehe...
- Ang cute pa din ni Diether kahit bato bato na katawan nia ( personally wala naman akong against sa ganyang katawan di ko lang feel ang ma mascle na katawan).
- panalo si Kris, me mga kissing scenes pa sila ni Diether. hehehe
- maganda pagkakaganap ni Gina Pareno. maganda make up nia ( although pinapanget sia dito.)
- overall rating: 5 out of 10 stars ( me stars pang nalalaan di ba? hahaha! )
Kalokah! naaliw namen akech bax sa post mo! bwahahaha Surprising Starmall nga di ba kaya kaka-surprise at nasa gitna na nagsimula! hekhek at ang lufet mong mag-rate: 5 out of 10! Ikaw na ang mapanglait ng fonda wahahaha
ReplyDeleteuy in fairness to you, sau ko narediscover ang word na fonda! kaya siyang siya ko sa pagsasabi nun. hehehe
ReplyDelete