Friday, January 7, 2011

Maganda daw ako?



"Maganda daw ako" yan ang sabi ng katabi ko. Pero me punchline ang animal, " kaya lang natatabunan na ng TABA ang ganda mo." Salamat sa moral boost ha? Ang ganda ganda ko sa paningin mong impakto ka. Kung di lang kita friend, malamang kanina ko pa to pinalo palo ng kahit anong mahawakan ko. ( nakakapagtimpi pa naman ako... )


Eh anu ba gagawin ko? namatay na ata lahat ng cells na nagpapaburn ng metabolism ko para sunugin lahat ang fats ko, or nakatulog? ( parang mantika lang na nalamigan?). Lahat na ata ng diet pills na try ko.. slenda, lesofat, xenical, fitrum, herbalife, 7 day diet tabs, bangkok pills pati mga herbal tea pinatulan ko din.. anjan ang kankunis, green tea, mga coffee diet drinks na try ko na din. Pero wala... walang walang epekto sken. Meron, iimpis ng konte.. di ko nga na feel na pumayat ako tapos lolobo na naman ulit. Paulit ulit, ito ang cycle ng aking katawan. Nakakasawa na di ba?

Tamad pa naman akong mag exercise! ayaw na ayaw ko ang pinagpapawisan. Nanlalagkit na feeling ang pinaka ayaw ko. Kaya nga naisip ko, mainam cgurong exercise para sken ay ang swimming. Ayun hindi ko mararamdamang nanlalagkit ako dahil basa buong katawan ko! hahahaha! Ang problema naman, saan ako hahanap ng public pool na mapaglalanguyan? Pasig river kaya? hahaha! ( baka burak at basura masisid ko hindi tubig). Ang mahal naman kasi kung private pool ang paglalanguyan ko mauubos budget ko.




Naisip ko naman, mag bike naman kaya ko? Nagtanung tanung nko ng bisikleta sa megamall, 3700 daw ( yung modelong pang korea novelang bisikleta ) . Mag iikot ikot ako sa lugar namin sa pasig. Inaalala ko lang, sa dami ng jeep na nagdadaan sa dadaanan ko di naman kaya mahagip ako at sa ospital lagpak ko? Mejo mga barumbado pa naman nagyon ang jeep, atat na atat umarangkada, akala mo hinahabol ng pulis! Nakakatakot!


So ano? mabubulok na lang ba ang running shoes na binili ko last last year ago? Wala na ba akong pag asang pumayat? me miracle pa ba sa ngayon?


Grabe naman ano? Ang dami daming problema ng iba, alang makain, ako prinoproblema ko ang katabaan ko. Ang babaw.. hay... ganyan tlaga cguro ang tumatanda? tumatanda???!!! Teka mas nadepress naman ako sa sinabi ko. erase, erase!


Basta! promise ko sa sarili ko, love thyself. Love thyself. Love thyself. Ulit ulitin ko ito hanggang mabuo sa isipan kong i love thyself, by that cguro i would have the guts to restore my former beauty... ( parang irerevamp na kotse no? hahaha! ).



Yan... yan ang dapat abangan next time.. or by the end of the year dapat, me improvement na. Na masasabi ko hindi lang sa sarili ko na pumayat na nga ako. ^_^ Good luck sa kababawan ko. hehehe..
















4 comments:

  1. Oy hinde kababawan ang maghangad ng healthy body noh? Karapatan naten lahat yan!hahaha effective naman ang FF sayu ah! gusto ko rin mag-running (actually gusto ko lang ng bagong running shoes!heheh) me matatakbuhan ba sa pasig? or baka gusto mo sa up diliman? tennis kaya

    ReplyDelete
  2. PS. an kyuuuut nung muning! natabunan nga lang ng fur yung ka-kyutan nya heheh

    ReplyDelete
  3. ako nga yang muning eh. cute pero mataba! hahaha! di ako marunong mag tennis eh, ikaw kc pe mo tennis kaya lakas mong mang aya mag tennis!

    ReplyDelete
  4. ndi naman mataba yung muning, ma-fur lang =P

    ReplyDelete