Thursday, January 6, 2011

OMG!!! 2011 na!


Grabe! last post ko pa was March last year??? 2011 na and let's start the new year right by posting useless information. ( hahaha!)


Naku! anu nga ba sasabihin ko sa inyo dear readers? andito pa din ako sa work ko. Same old boring story. Gising... Pasok..Uwi... Tulog.. Pasok.. Uwi.. Tulog ulit. Yan ang napaka healthy lifestyle ko di ba? Tatagal talaga ko dito sa mundong ito sa ginagawa ko.


So much has past and happened that I don't know where to start. eto muna. Dahil sa kaboringan ko sa work, naisip isip ko na naman magbasa ng blog. Kaya naalala ko, teka me blog din ako ah? Nakalimutan ko na nga what email address I used here at sandamakmak na retrieve passwords at email ang triny ko para makapasok ulit dito sa blog ko. Buti na lang me forgot password! hehehe..


Nga pala, since last kong post was naka graduate na si Denice or Nani as we fondly call her, kasama ko na nga pla siya sa bhay na nirerentahan ko. Opo. hindi na alone ang drama ko, me araw araw na akong kasama sa bahay. Mga.. 8 months ko na ata sia kasama sa bahay at ka share sa pagbabayad ng bahay ( hay salamat gumaan gaan ang buhay ko! yesss!).


Balik pang gabi na nga pala ako. Naalala ko, dati kaya halos ( ows? ) araw araw ako nkakapost eh pang umaga ko, now pang gabi na.


Sa nakaraang Pasko at Bagong Taon, ang katas ng 13th month pay ko na natatandaan ko is yung bubong namin sa kusina. matagal na kasi namin pinapangarap na mapagawa iyon para naman mawala ang "water falls apparition" kapag umuulan ng malakas samin. Naisip din ni mami na lagyan ng isang white na bubong yung kisame para pumasok daw ang light at makakatipid sa kuryente. Effective naman in fairness! akala mu nga me ilaw hanggang hapon eh! maliwanag! tipid sa kuryente. Good job! ^_^


Mataba pa din ako. Eto lang ata ang walang pagbabago. Bilog na bilog pa din ako. Now hindi lang mukha ko ang bilog, pati tyan ko bilog na din. Sabi nga nila, "Pare tagay pa!" ( mga walangya! wag kang tatalikod kundi me tarak ng patalim likod mo! hmp).


At dahil new year, nag iisip na naman akong lumipat ng kumpanya. Sawa na kasi tlaga ko. Promise! kahit naman mababait mga tao dito (oo na! ako lang masama) nakakasawa na din pinag gagagawa ko dito. I need to grow... ( not physicaly pero pede din why not?).


And lastly ay ang shocking news about Pet's sister Dianne. Grabe, sabi nga ni Pet, it's surreal... Sabi ko naman pampelikula lang. Di ko maubos maisip... bakit?? Ang bata pa ni Dianne. Basta what ever happens andito lang kmi Pet. Wag ka mag alala di ka nagiisa, pag need mo kausap, text , tawag, khit ano magsabi ka lang.


Sana sa susunod nating pagkikita masaya naman ang okasyon... tulad ng iyong kasal? naks! O sia cge sa susunod ulit! Ingat taung lahat and have a Happy and prosperous New year ahead! mwuah!






1 comment:

  1. Congrats sa new posts!!! ahlaveeet! sana mas madalas dahil nakakaaliw talaga! hehehe

    "let's start the new year right by posting useless information" <--- bwahahahah anuverr

    ReplyDelete